
Noong nakaraang linggo sa Thai romantic drama series na My Husband in Law, napanood ng marami kung paano ipinaglaban ni Tien ang kaniyang karapatan na muling maging parte ng buhay ni Moi at ng kanilang magiging anak.
Kasunod ng balitang nagdadalang- tao si Moi, hindi tumigil si Tien sa panunuyo at sa pagpupursige na mapapayag si Moi na magsama na sila sa iisang bahay.
Tien will fight for his right!
Ilang beses mang itinataboy, hindi sumuko si Tien sa panunuyo sa kaniyang minamahal.
Kung noon ay matigas ang puso ni Tien, ngayon ay siya naman ang gumagawa ng paraan upang muli silang magkaayos ni Moi para sa kanilang magiging anak at bubuuing pamilya.
Love and family
Habang unti-unti nang naaayos ang kanilang relasyon, isang pagsubok naman ang dumating sa buhay nina Moi at Tien na labis nilang ikinabahala.
Nabigla si Tien nang malaman niyang mayroon palang malubhang sakit si Moi na maaaring makaapekto sa pagbubuntis nito.
Moi is sick!
Dahil sa kondisyon ni Moi, tila hindi na kaya ni Tien na dalhin itong mag-isa.
Kaya naman, ipinaalam na niya ang sakit ni Moi sa kanilang buong pamilya upang makahugot ng lakas at katatagan sa pagsubok na kanilang pinagdadaanan.
In sickness and in health
Ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa buhay nina Tien at Moi?
Matutupad kaya ang pangarap ni Tien na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya?
Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa huling linggo ng My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: