GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

My Husband in Law: Together again | Week 6

By EJ Chua
Published February 17, 2022 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Ano nga ba ang nangyari sa 6th week ng 'My Husband in Law?' Alamin dito:

Noong nakaraang linggo sa My Husband in Law, muling nagkita ang mag-asawang sina Tien at Moi sa ibang bansa upang maging magkatrabaho.

Unang ipinadala sa ibang bansa si Moi para sa isang project ng kanilang kumpanya at ilang buwan lang ang nakalipas nagkasama na silang muli.

Walang kaalam-alam si Tien na bago pala umalis ang kanyang asawa ay isang pabor ang hiniling nito sa kanilang boss. Ito ay ang pasunurin nito si Tien sa mismong bansa na kanyang pupuntahan.

Sa muli nilang pagsasama, nagsimula na naman nilang guluhin at pakialaman ang buhay ng isa't isa.

The game will begin

Sa pagdating ni Tien sa pinagtatrabahuhan nila Moi, naging madalas na naman ang kanilang pagtatagpo.

Kaya naman naisip ni Moi na papiliin ang kanyang asawa sa dalawang mahahalagang bagay kapalit ng kapayapaan na ninanais nito.

Love or Money?

Sa pagdaan ng mga araw, nalaman na ni Ron ang tunay na status ng dalawa.

Kaya naman kahit magiging magulo ang sitwasyon, buong tapang na hinarap ni Ron si Tien upang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Moi.

Tien vs Ron

Sino kaya ang mas matimbang sa puso ni Moi?

Abangan ang kasagutan sa mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: