
Sa pagpapatuloy ng istorya ng My Husband in Law, isang mapait na katotohanan ang nalaman ni Moi.
Dahil sa kagustuhan ng mama ni Tien na malaman ang buhay na nakatakda para sa kanyang anak at kay Moi, isasama niya ang dalawa sa isang magaling na manghuhula.
At ayon sa manghuhula, itinadhana raw talagang magsama at magmahalan ang dalawa.
Labis naman silang nagulat sa kanilang narinig dahil ikinasal lamang sila upang mailigtas si Tien sa isang kapahamakan mula sa nagawa nitong kasalanan.
Nagulat man si Moi, masayang-masaya siya sa mga sinabi ng manghuhula tungkol sa kanila ni Tien.
Isang araw, habang kausap ang kanyang mama na si Nancy, sinabi ni Tien na wala naman talaga siyang nararamdaman para sa kanyang asawa na si Moi.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig ni Moi ang sinabi ni Tien.
At kahit na nasaktan, hindi ipinahalata ni Moi ang nararamdamang kalungkutan mula rito.
Tien and Moi's fate
May pag-asa pa kayang magkaroon ng malalim na kahulugan ang kasal ng dalawa?
O hihinto na si Moi sa kaka-asa na mahuhulog ang loob ni Tien sa kanya?
Abangan ang mga susunod na tagpo sa 'My Husband in Law,' mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, 10:20 pm sa GMA.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: