
Sa pagpapatuloy ng kuwento nina Moi at Tien sa My Husband in Law, sinubok agad ng tadhana sina Tien (Mark Prin) at Moi (Mew Nittha Jirayungyurn).
Sa araw ng kanilang kasal, nagkagulo ang lahat nang malaman nilang nawawala ang singsing ni Tien.
Dahil dito, nausad ang oras ng kasalan dahil nasa alaga nilang aso pala ang singsing ni Tien at kailangan nila itong makuha uoang matuloy ang wedding ceremony.
Hinabol pa ni Moi si Ouwa ang makulit na aso na nagtangay ng singsing ni Tien.
Kasunod nito, tila hindi na alam ng pamilya nina Tien at Moi kung paano pa makukuha ang wedding ring.
Gigil na gigil na ang mama ni Tien dahil sobrang hiyang-hiya na siya sa mga bisita.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakuha na ang singsing ni Tien ngunit natagpuan nila ito sa dumi ng aso.
May makakapigil pa ba sa pagsasama nina Tien at Moi?
Abangan ang mga kasagutan sa My Husband in Law, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes, 11:25 p.m. sa GTV.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: