GMA Logo My Illegal Wife
What's on TV

'My Illegal Wife' starring Pokwang and Zanjoe Marudo, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published August 26, 2022 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

My Illegal Wife


Kabilang ang 'My Illegal Wife' starring Pokwang and Zanjoe Marudo sa mga pelikulang inihanda ng GTV ngayong weekend.

Siguradong katatawanan ang hatid ni Kapuso comedian Pokwang sa kanyang pelikulang My Illegal Wife ngayong weekend sa GTV.

Gaganap siya rito bilang Clarise, isang OFW sa Japan. Nais niyang magkaroon ng asawa para tumayong ama sa kanyang mga anak.

Habang pauwi sa Pilipinas mula Japan, magka-crash ang eroplanong sinasakyan ni Clarise!

Pero tila naging blessing pa ito sa kanya dahil ito ang magbibigay ng pagkakataon para matupad ang matagal na niyang inaasam.

Sila lang kasi ni Henry, played by hunk actor Zanjoe Marudo, ang magiging survivor ng crash at mapapadpad sila sa isang deserted island.

Magkakaroon ng amensia si Henry kaya papaniwalain siya ni Clarise na mag-asawa sila. Nang ma-rescue ang dalawa, ipapakilala ni Clarise si Henry sa kanyang pamilya.

Matututunan bang mahalin ni Henry si Clarise? Anong mangyayari kung mabawi ni Henry ang kanyang mga alaala at mabuking ang mga kasinungalingan ni Clarise?

Alamin 'yan sa My Illegal Wife, August 27, 9:30 p.m. sa G!Flicks.

Para naman sa action movie fans, abangan din ang The Killer ni Chow Yun Fat, August 27, 1:30 p.m. sa Siesta Fiesta Movies, pati na ang Armadong Hudas ni Ian Veneracion, August 27, 3:30 p.m. sa Afternoon Movie Break.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.