
Patuloy na namamayagpag hindi lang sa TV kundi pati online ang tandem nina Star of the New Gen Jillian Ward at primetime heartthrob Michael Sager na bida sa number one kilig series na My Ilonggo Girl.
Base sa huling datos na nakalap ng GMA Public Affairs, nakamit na ng mini-series ang 970 million views across all digital platforms.
Inaabangan din ng viewers ang kilig moments ng MicJill at intense scenes sa pagitan nina Tata (Jillian Ward) at Venice (Myrtle Sarrosa).
Ngayong Linggo, dalawang beses na umabot sa mahigit seven percent ang TV ratings ng My Ilonggo Girl base sa record ng NUTAM People Ratings.
Huwag palampasin ang exciting moments sa nalalapit na pagtatapos ng sikat na mini-series na My Ilonggo Girl, Monday to Thursday sa oras na 9:35 p.m.
Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 11:25 p.m.
RELATED CONTENT: