
Matindi ang pasabog sa Monday episode (February 17) ng high-rating GMA Prime mini-series na My Ilonggo Girl.
Kagabi, naikuwento ni Nay Gwapa (Arlene Muhlach) ang tungkol sa matalik niyang kaibigan na si Carmen at ang BFF niya ang tunay na nanay ng pretty Ilongga na si Tata (Jillian Ward).
Samantala, konektado rin si Carmen kay Sir Gov. Gregorio Orlando (Richard Quan).
Matagal nang pinapahanap ng asawa ni Margaret ang naturang babae dahil alam nito na ang supling na dinadala noon ni Carmen ay anak niya!
Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Tata na magulang niya si Sir Gov?
Samantala, nang makapanayam ng GMANetwork.com ang My Ilonggo Girl hunk na si Vince Maristela last week, naibahagi niya ang reaksyon niya nang una niyang mabasa sa script ang mga big revelation tungkol sa role ni Jillian na si Tata.
“Noong una kong nabasa ang script tungkol sa background ni Tata, sobrang na-hook ako.” pag-amin ni Vince.
Pagpapatuloy niya, “Napakalakas at hindi inaasahang revelation na nagdagdag ng lalim sa karakter niya. Mas na-appreciate ko ang journey niya dahil mas naintindihan ko ang mga pinagdadaanan, desisyon, at motivation niya. Ang galing ng pagkakasulat ng kuwento niya, at excited akong makita ng mga manonood kung ano pa ang mangyayari sa karakter niya.”
Walang bibitaw sa mga susunod na eksena sa kilig serye ng 2025 na My Ilonggo Girl, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA Prime!
RELATED CONTENT: LOOK: Sparkada hunk Vince Maristela's hottest photos