GMA Logo My Ilonggo Girl
What's on TV

'My Ilonggo Girl' world premiere, tinutukan ng mga netizen!

By Aedrianne Acar
Published January 14, 2025 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

My Ilonggo Girl


'Star of the New Gen' Jillian Ward at primetime heartthrob Michael Sager, nagpakilig agad sa world premiere ng 'My Ilonggo Girl.'

Nabighani ang mga viewer at netizen sa 'kilig start' ng GMA Prime rocom series na My Ilonggo Girl kagabi, January 13.

Sa world premiere ng unang kilig serye ng 2025 nakilala na ng mga manonood ang mga karakter na sina Venice (Jillian Ward), ang popular actress at ang kaniyang 'kalokalike' na si Tata (Jillian Ward) na isang tindera ng La Paz Batchoy.

Sunod-sunod ang papuri na natanggap ng GMA Public Affairs online sa first episode pa lamang.

Sabi sa X ni Cariza Aguilar Aldea, “Ang ganda ng #MyIlonggoGirl ang galing ni Jillian Ward at nakaka miss yung ganitong genre sa primetime ROMCOM.”

Napa-hirit naman ang isa na 'tila nanonood daw siya ng K-drama.

Samantala, bago umere ang My Ilonggo Girl, may nakakakilig na mensahe ang leading man ni Jillian na si Michael Sager sa Instagram. Sinabi nito na sobra itong proud sa kaniya.

A post shared by Michael Sager (@michaelsager_)

Huwag palagpasin ang 'kilig over load' na hatid ng My Ilonggo Girl, Monday to Thursday sa oras na 9:35 p.m.

RELATED CONTENT: Jillian Ward, kinilig sa sorpresa ni Michael Sager