
Nanalo ang My Korean Jagiya star na si Edgar Allan Guzman ng Best Supporting Actor award sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.
Maliban sa malaking parangal na napalanunan ni EA, masayang-masaya rin ang aktor sa todong pag-suporta ng co-stars niya sa My Korean Jagiya gaya na lang ni Alexander Lee.
Ayon sa kaniya, "Grabe kahit walang subtitles 'yung pelikula, nag-worry ako kasi baka hindi maintindihan ni Xander pero 'nung natapos 'yung pelikula, umiiyak siya. Naintindihan niya raw dahil sa eye contact and facial expressions. Doon pa lang, na-touch na ako sa gesture na sinuportahan niya ako kahit 'di naman kami matagal magkakilala. Happy ako na naintindihan at nagustuhan niya 'yung pelikula namin."
Nang i-announce na siya ang nananalo na Best Supporting Actor sa MMFF, agad daw silang nagpaabot ng pagbati para kay EA.
"Galing ako ng stage [para tanggapin ang award] at actually pagkaupo ko pa lang, nag-message agad sila sa group chat namin ng 'Congrats, EA' at 'Congrats, Ryan.' Updated sila! Hindi sila showbiz na tao, totoong tao sila that's why unforgettable talaga 'tong experience na 'to," anang aktor.
Tunghayan ang award-winning acting ni EA as Ryan sa My Korean Jagiya, now on its last five episodes!