GMA Logo My Lady Boss
What's Hot

'My Lady Boss' ni Marian Rivera, tampok sa I Heart Movies

Published February 17, 2024 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

My Lady Boss


Kabilang ang 'My Lady Boss' starring Marian Rivera sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Hindi mapapantayan ang husay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatawa at pagpapaiyak.

Kitang-kita 'yan sa kanyang 2013 film na My Lady Boss.

Gaganap siya dito bilang Evelyn, ang workaholic at istriktong brand manager ng isang kumpanya. Papasok sa buhay niya si Zach, role ni Richard Gutierrez, na isang rich boy na napilitang maghanap ng trabaho matapos pumalpak sa kumpanyang siya mismo ang nagtayo.

Abangan ang kanilang kilig na istorya sa My Lady Boss sa February 21, 8:00 pm sa Pinoy Movie Date.

Huwag ding palampasin ang pelikulang magpapakita ng isang espesyal na bahagi ng kulturang Pilipino.

Pagbibidahan ni Kapuso actor Rocco Nacino ang independent film na Balut Country. Gaganap siya rito bilang Jun, isang lalaking magmamana ng patuhan ng kaniyang ama.

Gustong ibenta ni Jun ang farm dahil malapit na itong malugi pero nagdadalawang isip din siya dahil ayaw niyang mawalan ng hanap-buhay ang mga trabahador ng kaniyang ama na matagal nang nagsisilbi rito.

Ano ang magiging desisyon ni Jun?

Abangan 'yan sa Balut Country, February 20, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.