GMA Logo My Lady Boss
What's on TV

'My Lady Boss' starring Marian Rivera and Richard Gutierrez, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published September 13, 2022 10:25 AM PHT
Updated September 13, 2022 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

My Lady Boss


Kabilang ang "My Lady Boss" starring Marian Rivera and Richard Gutierrez sa mga pelikulang mapapanood sa 'I Heart Movies' ngayong linggo.

Hindi mapapantayan ang husay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatawa at pagpapaiyak. Kitang-kita 'yan sa kanyang 2013 film na My Lady Boss.

Gaganap siya dito bilang Evelyn, ang workaholic at istriktong brand manager ng isang kumpanya. Papasok sa buhay niya si Zach, role ni Richard Gutierrez, na isang rich boy na napilitang maghanap ng trabaho matapos pumalpak sa kumpanyang siya mismo ang nagtayo.

Abangan ang kanilang kilig na istorya sa My Lady Boss sa September 17, 8:00 pm sa Pinoy Movie Date.

Mapupuno ng kababalaghan ang simpleng hiking trip ng isang barkada sa psychological horror film na Banal.

Tampok dito si Kapuso actress Bianca Umali bilang Erika, isang anak na umaasang may makakamtang himala sa bundok na pupuntahan nila.

Kasama niya sa pelikula sina Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix, Andrea Brillantes, Taki, at Kim Last.

Huwag palampasin ang Banal, September 16, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.