
Nagpahayag ng suporta sina My Love From The Star cast members Jennylyn Mercado, Gabby Eigenmann at Jackie Rice para sa upcoming fundraising activity para sa kanilang co-star na si Spanky Manikan.
Matatandaang si Spanky ang gumaganap bilang Mr. Jang sa serye ngunit kinailangan niyang mag-pull out sa kalagitnaan nito dahil sa kanyang kalusugan.
Stage 4 lung cancer ang sakit ni Spanky at ilan sa kanyang mga kaibigan ang nag-organize ng fundraising para makatulong sa gastusin ng kanyang pagpapagamot.
Gaganapin ang 'Sunday For Spanky' sa Linggo, August 20 sa JT's Manukan Grille simula 6:00 pm.