Article Inside Page
Showbiz News
It's the last time na kikiligin ka kay Matteo and Steffi. So don't miss the finale of 'My Love from the Star' this Sunday before 'Sunday All Stars.' Huling hirit na mga Kapuso!
By EUNICIA MEDIODIA
Nabitin ba kayo sa
My Love from the Star? Don’t worry dahil magbabalik ito this Sunday. Tutuparin nina Matteo Do at Steffi Cheon ang inyong destiny to watch
My Love from the Star.
Sa pag-alis ni Matteo, paano na si Steffi? Makakabalik pa ba si Matteo sa planet Earth? O tuluyan na siyang naglaho na parang bula?
Paano na ang kanilang happy ending kung hindi naman nila makakasama ang isa’t isa sa habang panahon?
Makakaya ba ni Steffi ang kanyang pangungulila sa taong mahal?
Makalipas ang tatlong taon, tila walang nagbago para kay Steffi. Wala siyang inisip at bukambibig kundi si Matteo lang. Minsan pa nga nakikita niya si Matteo pero bigla rin itong nawawala. Guni-guni niya lang ba ito o nasisiraan na siya ng ulo dahil sa kakaisip kay Matteo?
Hindi nawawala ang pagmamahal ni Lucy kay Winston. Sa pagkakataong ito, mahulog na rin kaya ang loob ni Winston kay Lucy? O patuloy siyang aasa sa pag-ibig ni Steffi?
Matagal nang iniibig ni Winston si Steffi, siya pa rin kaya ang nasa puso nito pagkalipas ng maraming taon? Nakahanda na ba siyang magparaya kay Matteo?
Ang nakakabatang kapatid ni Steffi, si Yuan, ang umiidolo kay Matteo. Boto rin siya sa lalaki dahil parehas sila ng interes. Lagi niyang inaalala ang bilin ng tinuring niyang mentor. Tutupad kaya siya sa mga pinangako niya rito?
Ano ang mangayayari kay Yuan ngayong wala na ang kanyang mentor at tinuturing na bayaw?
Hanapin ang inyong destiny sa
The Last Kilig Throwback Hirit ng
My Love from the Star ngayong Linggo.