GMA Logo My Love in the Countryside
Source: My Love in the Countryside
What's Hot

'My Love in the Countryside', mapanonood na ngayong March 30 sa GMA Heart of Asia!

By Mark Joseph F. Carreon
Published March 18, 2026 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jeepney driver, nagbawas na sa pagkain para makapag-uwi ng P300 na kita sa gitna ng mega-oil price hike
LANY is coming back to PH for 'Soft World Tour' this November
P6M alleged smuggled cigarettes concealed in mixer truck seized

Article Inside Page


Showbiz News

My Love in the Countryside


Init ng pag-ibig at kilig ang mararamdaman natin this summer with 'My Love in the Countryside'!

Ngayong tag-init, humanda na sa kakaibang kuwentong magpapaniwala atin sa magic ng pag-ibig!

Dadalhin kayo ng GMA Network papunta sa isang probinsyang puno ng love and dreams, paparating na sa Philippine television ang hit Thai romantic-drama na My Love in the Countryside.

Pinagbibidahan ito ng ilan sa mga maningning na pangalan sa Thailand tulad nina August Vachiravit, Namfah Thunyaphat, Meen Nichakoon, at Pearwah Nichapa.

Sundan ang buhay ni Stephanie (Namfah Thunyaphat). Pangarap niyang maging bida sa isang pelikula, ngunit kapwa nagdududa sa kanyang kakayahan ang kanyang ina at ang direktor.

Upang tulungan siyang humusay, ipinadala siya ng direktor sa Baryo Tung Tarntanod sa lalawigan ng Phetchaburi, isang lugar kung saan hindi lamang pag-arte ang kanyang matututunan, kundi pati na rin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Ito ang kuwento ng isang palaban at masiglang dalaga; mataas ang pinag-aralan ngunit biglang mapapasabak sa buhay-probinsya.

Ngunit hindi sumuko si Stephanie. Sa halip, natuklasan niya ang iba't ibang anyo ng pagmamahal.

Sa nayong ito, makikilala niya si Marcus (August Vachiravit), ang anak ng punong may-ari ng plantasyon. Bagama't hindi siya mukhang lalaking marunong magmahal sa unang tingin, siya ang pupuno sa pagkukulang sa puso ni Stephanie at magbabago sa kanyang mundo.

Magtiwala kaya sila sa pag-ibig?

Abangan ang premiere ng My Love in the Countryside, ngayong March 30, 9:00 a.m. sa GMA.