GMA Logo My Name is Busaba on GMA
Source: OfficialGMAHOA/FB
What's Hot

My Name is Busaba: Ang bagong chef | Week 2 recap

By Kristian Eric Javier
Published September 26, 2023 4:13 PM PHT
Updated September 26, 2023 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

My Name is Busaba on GMA


Malapit na maging chef si Busaba sa tulong ni Miguel sa 'My Name is Busaba.'

Sa pagpapatuloy ng bagong journey ni Busaba (Bee Namthip Jongrachatawiboon) para maging chef ay haharapin naman niya ang bagong pagsubok sa My Name is Busaba.

Sa tulong din ni Miguel (Film Thanapat Kawila) ay unti-unting makukuha ng dalaga ang kaniyang mga goals. Ngunit kahit tinanggihan na ay patuloy pa rin si Miguel sa pangungumbinsi kay Busaba na maging chef nila. Dito, inalok ng binata na bayaran ang utang nila Busaba para hindi makuha ng bangko ang kanilang bahay.

Dito rin ibinahagi ni Miguel ang dahilan kung bakit gusto niyang kunin si Busaba, at ang paniniwala niyang special ito. At sa wakas ay pumayag din si Busaba maging chef ni Miguel.


Sa unang araw pa lang ni Busaba ay mukhang may mga makakatunggali na siya sa kanilang bagong kusina. Hindi lang iyon, dahil nang matapon ang mga gamit niya mula sa taxi ay inutusan pa niya si Miguel na tulungan siyang ipasok ito sa restaurant.

Dito, ipinakilala na siya bilang assistant ng head chef na hahawak sa Thai Cuisine.


Naghanda ng meeting si Miguel para sa mama niya at kay Busaba ngunit dahil isa sa mga chef niya ay may galit sa dalaga ay sinabotahe niya ang ilan sa mga dishes nito.

Kahit sinabotahe ang luto ni Busaba ay wala pa ring reklamo ang mama ni Miguel, at inaprubahan ang pagiging chef ng dalaga sa restaurant, isang bagay na ikinatuwa nilang dalawa.

Samantala, nagbigay din ang pamangkin ni Miguel na si Anna ng 10 points na score sa luto nito.


Ang kapatid naman ni Busaba, nalaman ang tungkol sa itinatago ng ex-boyfriend ni Busaba na si Todd, at kung paanong niloko pala siya nito ng dalawang taon. Dahil dito, sinugod ni Busaba si Todd at ang girlfriend nito at ipinamalas ang galit niya.

Kinopya ni Miguel ang Recipe book ng master ni Busaba na si Rampai ngunit para kay Busaba at sa lola niya ay malaking kasalanan ang ginawa ng binata. Ayon sa dalaga, hindi naman siya talaga masama ngunit gagawin niya ito sa kung sino man ang gagawa ng kasamaan sa kanya.


Para siguruhin ang kapakanan ng kanilang bahay ay naghain si Busaba ng kasunduan kay Miguel at hiningi nito ang titulo ng bahay upang hindi ito maibenta. Bukod pa dito, hiniling din ni Busaba na maging shareholder at hingiin ang 40 percent ng profit para mabayaran agad ang utang kay Miguel.


Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita muli si Busaba at ang chef na nagsisante sa kanya. Nasisante ito matapos kuyugin ng mga tagasuporta ni Rampai ang dating chef.

Sa pagdating ni Miguel ay nailigtas niya si Busaba ngunit ang chef pala na iyon ay may koneksyon sa isa sa mga chef ni Miguel na si Leslie. Dito ipinangako ni Leslie na paghihigantihan niya si Busaba.


Dahil business partners na sila ay kasama na sa pagpalano ng restaurant si Busaba. Pagdating naman sa pangalan ng restaurant, pilit idinadagdag ni Busaba ang pangalan niya dito, isang bagay na hindi nila mapagkasunduan.

Patuloy na panoorin ang My Name is Busaba, Lunes hanggang Biyernes, 9 a.m. sa GMA.