
Simula na ng journey ni Busaba (Bee Namthip Jongrachatawiboon) para mas makilala siya bilang isang Thai chef sa My Name is Busaba. Sa tulong ng restaurateur na si Miguel (Film Thanapat Kawila) ay masisimulan na niyang tuparin ang kanyang mga pangarap.
Ngunit bago pa ito mangyari ay kailangan muna harapin ni Busaba ang mga dagok sa kanyang buhay.
Dahil sa ipinamalas na galing ni Busaba ay na-threaten ang head chef ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuhan. Kaya imbis na bigyan siya ng papuri ay sinesante siya ng head chef.
Sa restaurant ni Miguel ay nasaksihan niya kung paano nilait at hiniwalayan ng boyfriend niya si Busaba. Kahit masakit ay tinanong ng dalaga kung bakit ngayon lang ito sinabi ng kanyang ex, at lalo lang siyang sinaktan sa mga sinabi nito.
Bago pa man malaman ni Miguel ang pangalan ni Busaba ay nakilala na niya ito bilang pinakamagaling na Thai chef ng matikman nila ang niluto nito sa kanilang restaurant.
Ngunit ang chef, nagmumukmok at naglalasing matapos mapatalsik sa dating pinagtatrabahuhan, at ng kanyang boyfriend nang makita ulit ni Miguel.
Kaya naman nagmagandang loob si Miguel at hinatid sa bahay nila. Dito, dahil sa kalasingan, ay kung ano-ano ang hiniling ni Busaba mula sa binata.
KILALANIN ANG MGA BIDA SA LAKORN SERIES NA 'MY NAME IS BUSABA' SA GALLERY NA ITO:
Matapos makilala ni Miguel si Busaba ay inalok niya ang dalaga para maging isa sa mga chef niya sa bagong restaurant. Ngunit dahil maraming kundisyon ang binata ay hindi tinanggap ni Busaba ang alok nitong trabaho.