GMA Logo My Roommate is a Gumiho
What's Hot

'My Roommate is a Gumiho,' mapapanood na mamaya

By EJ Chua
Published August 21, 2023 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gladys sa umano'y alitan nina Angelu at Claudine: 'Hindi po ako sumasali'
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

My Roommate is a Gumiho


Magsisimula na ngayong Lunes ang fantasy romantic comedy series na 'My Roommate is a Gumiho' sa GMA!

The wait is over, dahil ngayong Lunes, August 21, magsisimula na ang bagong handog ng GMA na isang Korean series.

Mapapanood na ng mga Kapuso ang fantasy romantic-comedy series na My Roommate is a Gumiho.

Ang seryeng ito na mayroong unique na love story ay pinagbibidahan ng kilalang Korean stars na sina Jang Ki-yong at Lee Hye-ri.

Kaabang-abang ang pagtatagpo ng mga karakter nina Jang Ki-yong at Lee Hye-ri sa serye.

Sila ay mapapanood dito bilang sina Jasper at Layla.

Anu-ano kaya ang mangyayari sa kanilang unang pagtatagpo?

Hindi dapat palampasin kung paano nila masosolusyunan ang isang komplikadong sitwasyon na sabay nilang haharapin.

Ano kaya ang magiging daan upang magkalapit ang loob nina Jasper at Layla?

Sinu-sino kaya ang kanilang makikilala?

Abangan ang istorya ng isang nine-tailed fox na gustong-gusto maging isang tao at ang isang babae na magiging parte ng kanyang buhay sa pamamagitan ng isang hindi inaasahang pangyayari.

Sabay-sabay nating panoorin ang pagsisimula ng My Roommate is a Gumiho, mamayang 5:10 p.m. pagkatapos ng Fast Talk with Boy Abunda sa GMA.