GMA Logo Yeon Woo-jin and Park Hye-soo
What's Hot

My Shy Boss: Joaqui and Rory's love for each other

By Dianne Mariano
Published January 8, 2023 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Yeon Woo-jin and Park Hye-soo


Matapos ang kanilang mga pinagdaanan, ano kaya ang kahihinatnan ng love story nina Joaqui at Rory?

Sa huling linggo ng My Shy Boss, nagpasalamat si Joaqui (Yeon Woo-jin) kay Wendel (Yoon Park) dahil naging bahagi ito kung bakit malayo ang kanyang narating bilang CEO.

Sa muling paghaharap nina Joaqui at ng ama ni Rory (Park Hye-soo), nagpasalamat ang huli sa una dahil sinabi nito ang katotohanan tungkol sa namayapa niyang panganay na si Jackie.

Matapos ihatid si Rory sa kanyang bahay, isang lalaking reporter ang kumausap kay Joaqui at sinabing siya ang taong pinaka-nakasakit kay Jackie dahil hindi niya ito binigyan ng pansin kahit isang beses.

Inilahad ito lahat ni Joaqui kay Rory at binigay ng huli ang ginawang drawing ng kanyang nakatatandang kapatid sa una bago umalis ng opisina.

Nang magpunta si Joaqui sa tahanan ni Rory, sinabi ng ama ng huli na isasara na niya ang barbershop dahil tumaas ang bayad ng kanyang renta. Tinulungan naman nina Joaqui at ng Silent Monster team na i-promote ang negosyo ng ama ni Rory.

Samantala, naglabas naman ang lalaking reporter ng balita tungkol sa iba't ibang isyu ng Silent Monster kung kaya't bumaba si Joaqui sa kanyang posisyon sa kumpanya.

Nabangga naman si Joaqui ng isang kotse habang siya'y nagmamaneho at biglang lumabas si Rory sa kanyang sasakyan. Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Rory na kahit ano'ng pagdidistansya ang kanyang gawin ay tila hindi pa rin niya magawang lumayo kay Joaqui.

Sa huli, muling bumalik si Joaqui sa kumpanya at nagkaroon pa ng sports day, kung saan naglaro ang kanyang team at mga empleyado ng Brain PR.

Habang nasa gitna ng ulan, isinigaw naman ni Joaqui sa harap ng maraming tao na mahal niya si Rory at kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagmamahal sa isa't isa.