
Ngayong Nobyembre, mapapanood na ang Korean romantic-comedy series na My Shy Boss sa GMA.
Maghahatid ng kilig at tuwa tuwing umaga ang Korean stars na sina Yeon Woo-jin at Park Hye-soo bilang sina Joaqui at Rory.
PHOTO COURTESY: My Shy Boss
Mapapanood din sa seryeng ito sina Yoon Park bilang Wendel, Geong Seung-Yeon bilang Iza, at Han Chae-ah bilang Jackie.
Ang kuwento ng My Shy Boss ay tungkol sa CEO ng isang kilalang public relations firm na si Joaqui na sobrang mahiyain. Dahil sa kanyang personalidad, maging ang kanyang mga empleyado ay hindi siya lubos na kilala.
Papasok naman sa kumpanya ni Joaqui ang very energetic na si Rory. Sa kabila ng kanyang pagiging magaling sa trabaho, ang tanging interes lamang ni Rory ay walang iba kundi ang CEO.
Iisa lamang ang kanyang misyon, ang maibunyag kung sino talaga si Joaqui.
PHOTO COURTESY: My Shy Boss
Magkaiba man ang kanilang personalidad, posible kayang mayroong mabuong samahan sa pagitan ng dalawa? Paano kung ang balak ni Rory na pagtulong kay Joaqui ay mauwi pa sa pagiging malapit niya rito?
Huwag palampasin ang My Shy Boss ngayong Nobyembre sa GMA.