GMA Logo Yeon Woo jin and Park Hye soo
PHOTO COURTESY: My Shy Boss
What's Hot

My Shy Boss: Will Joaqui and Rory have their happy ending?

By Dianne Mariano
Published December 27, 2022 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Yeon Woo jin and Park Hye soo


Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, posible kayang mabuo ang pagmamahalan nina Joaqui at Rory? Abangan ang huling linggo ng 'My Shy Boss' sa GMA.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Korean romantic-comedy series na My Shy Boss, malalaman na kung ano ang kahihinatnan ng love story nina Joaqui (Yeon Woo-jin) at Rory (Park Hye-soo) matapos ang kanilang mga pinagdaanan.

Noong nakaraang linggo, matatandaan na inamin na ni Wendel (Yoon Park) ang lihim na matagal na niyang itinatago sa pamilya nina Joaqui at Iza- na siya ang totoong dahilan kung bakit namatay ang kanilang secretary na si Jackie, ang nakatatandang kapatid ni Rory, tatlong taon na ang nakakaraan.

Aksidente naman na narinig ni Rory ang pag-amin ni Wendel at sinabi nito sa una na labis niyang pinagsisisihan ang kanyang pagkakamali noon. Matapos ito, inamin na rin ni Wendel ang katotohanan sa ama ni Rory.

Sa pag-uusap nina Joaqui at Rory, humingi rin ng tawad ang una sa huli dahil sa mga pagkakamali niya noon kay Jackie. Ibinalik naman ni Joaqui kay Rory ang itim na pares ng sapatos ni Jackie, na ibinigay niya noon sa huli bilang regalo.

Matapos malaman ang mga matitinding rebelasyon, tuluyan pa rin kayang mabuo ang pagmamahalan nina Joaqui at Rory?

Huwag palampasin ang huling linggo ng My Shy Boss, 9:00 a.m., sa GMA.