
May bagong theme song ang tambalang Boyet at Aubrey ng My Special Tatay.
Fans ship Boyet-Aubrey love team in 'My Special Tatay'
Mapapansin sa mga huling episode ng hit afternoon series ng GMA na may bagong kantang ipinatutugtog sa tuwing magkakaeksena ang mga bida nitong sina Ken Chan at Rita Daniela.
Bahagi ng lyrics nito, “Sino nga ang makakasabi na ang langit kanilang narating?”
Maraming masugid na manonood ng hit afternoon series na My Special Tatay ang curious kung ano ang kantang pinatutugtog sa tuwing magkakaroon ng eksena sina Ken Chan at Rita Daniela.
Kaya naman sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ni Direk L.A. Madridejos ang title ng kanta, ang “Kaya't Anong Suwerte Ko”
Sa mga nagtatanong, ang title nung song na nagpplay pag eksena ni Aubrey at Boyet ay 'Kaya't Anong Swerte Ko'. Produced ito ng GMA post kaya hindi nyo pa mahanap online. #MSTFriendzone https://t.co/2gLOzQ2wSY
-- la madridejos (@akosi_LA) December 27, 2018
Sa ngayon, hindi pa raw ito opisyal na nare-release bilang single.
Pero ngayon pa lang, umaasa na ang #BoBrey fans na mai-record ito ng mga pangunahing aktor ng My Special Tatay.
Sana marelease na yan sa Youtube tapos ang Music Video Bobrey #MSTFriendzone
-- Sugo ni Aubrey (@RitaliciousKyla) Disyembre 27, 2018
Ilang weeks na akog di mapalagay sa kakahanap ng bobrey theme song e..sa wakas nalaman ko ja rin kung bakit..sana mapakingan na namin online ang song..
-- Diana (@Diana04620284) Disyembre 27, 2018
Finally! Thanks Direk! Ang tagal naming hinanap yung kantang yan. Naka ilang hanap na ko sa spotify hahahaha! Will wait for it po for sure! 💕
-- Shaira 💕 (@missgummysmile_) Disyembre 27, 2018
Btw, sino po kumanta?#MSTFriendzone
Omg thank you.. Buong lyrics na ng kanta yung tinype ko sa Google mahanap lang yan. Hahaha. Sino daw kumanta?
-- I'm That Girl (@DonyaDonitaSawi) Disyembre 27, 2018
Thankyou direk @akosi_LA finaly nalaman din ng fan 😍 tagal na namin topic sa comment yun haist napuyat pa ako kagabi kakahanap sa youtube & google 😂✌🏻
-- Jaye Ordinario (@iamjaye11) Disyembre 27, 2018
Ang theme song ng My Special Tatay ay “Kahit Man Lang Sa Pangarap,” na kinanta mismo ng singer-actress na si Rita.