
Masayang-masaya magtatapos ng taon ang team ng My Special Tatay dahil sa mataas na ratings ng show, pag-te-trending online, pag-vi-viral ng mga eksena at sa dagsa ng suporta para sa tambalan nina Boyet (Ken Chan) at Aubrey (Rita Daniela) na pinangalanang BoBrey.
Umaani rin ng libu-libo at milyon ang views ng My Special Tatay sa Facebook.
Nag-viral din ang The Pokpok Remix dance video na ginawa ng cast ng show.
Sa Twitter naman, laging nag-te-trend ang mga hashtag ng My Special Tatay.
Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal sa My Special Tatay, mga Kapuso!