
Longtime showbiz crush ng Bubble Gang star na si Myka Flores ang kanyang former co-star na si Wendell Ramos.
Sa programang Tonight With Arnold Clavio, napaamin siya na minsan niyang binigyan ng love letter si Wendell.
"sa totoo lang ah, crush ko si Wendell. Tapos, dumating 'yung point na, ito sasabihin ko na. Hindi alam ng tao 'to. Sinulatan ko talaga siya," bahagi ni Myka.
"Sinabi ko lang na 'Wendell, may sasabihin ako sa 'yo pero sana 'wag kang magbabago.' Totoo! Sinabi ko talaga sa kanya 'yun—at huwag lalaki ang kanyang ulo dahil 'di ba ang isang lalaki 'pag sinabi mong crush mo, nagiging mayabang," pagpapatuloy niya.
Nauna ng dalawang taon si Wendell sa Bubble Gang bago naging bahagi nito si Myka.
"Mabait, hindi siya 'yung tipong mayabang. Noong pinaoood ko pa lang 'yung Bubble Gang, siya 'yung idol ko talaga," paglalarawan niya rito.
Panoorin si Myka sa paglalaro ng "Sino" sa Tonight With Arnold Clavio.