
Sa ika-limang anibersaryo ng Tadhana, tampok ang isang three-part anniversary episode tungkol sa pagibig.
Dahil sa isang trahedya, mawawalay si Amy (Mylene Dizon) sa kanyang anak. Lumipas man ang panahon ay nananatili pa ring umaasa si Amy na muling makapipiling ang anak. Pero kapalit nito ang lumalayong loob ng kanyang mister na si Dennis (Raymond).
Gagamitin naman nitong oportunidad ni Sharlene (Vaness del Moral) upang agawin ang kanyang mister. Ang sunod-sunod na trahedya sa buhay ni Amy, tuluyan nang nakaapekto maging sa kanyang mag-iisip.
Mahanap pa kaya niya ang nawalay na anak? Mabuo pa kaya ang kanilang pamilya? Abangan sina Mylene Dizon, Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Lianne Valentin, Erlinda Villalobos, Via Antonio at Tart Carlos.
Sa ating ika-limang anibersaryo, samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa three-part episode special ng Tadhana: Baliw na Puso, simula October 8, 2022, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.