
Gustong gusto ng beteranang aktres na si Mylene Dizon ang nangyaring 'lock-in taping' ng GMA afternoon drama na Bilangin ang Bituin sa Langit.
Ayon kay Mylene, nakakapag-focus siya sa kanyang karakter dahil malapit lang ang kanilang tinirhan sa location ng shooting.
Aniya, "Ako I like it kasi magkakasama kami lahat, araw-araw nagtatrabaho kami, it's easier to stay in character.
"And of course, 'yung timeframe din mas mabilis namin natatapos 'yung trabaho.
"Also, idadagdag mo pa doon na nagkakaroon ng tunay na bonding at pagsasamahan talaga ang lahat ng tao sa set, hindi lang 'yung mga artista kundi pati 'yung staff and crew."
Kahit na ganoon, ayaw tawagin ni Mylene na "new normal" ang nangyayari ngayon.
Dagdag niya, "I don't want to accept this as the new normal because it's not normal.
"I'm still hoping that one day we can all go back to how it was before, the normal life.
"Because I miss having regular interaction not just with my friends but with family as well, traveling to see my family in America and all that jazz."
Mylene Dizon at Kyline Alcantara sa nangyaring 'lcok-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit.'
Inamin din ni Mylene na hindi niya nilu-look forward ang Pasko ngayong taon.
"This year, we are going to have a different kind of Christmas, which is something I don't look forward to," pag-amin ni Mylene.
"So sumatotal, I don't think it's the 'new normal,' it shouldn't be called normal at all because it isn't."
Panoorin ang buong panayam kay Mylene sa itaas. Kung hindi naglu-load ang video, pumunta DITO.
Magbabalik na sa telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit simula December 7 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.