
Mahigit isang dekada nang magkasintahan si Mylene Dizon at kanyang partner na si Jason Webb.
Marahil ay marami ang nagtataka kung bakit hindi pa sila nagpapakasal, bagay na in-address ng mahusay na aktres sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano sa YouTube channel nito.
Diretsong sinabi ni Mylene, 48, na wala siyang balak mag-asawa.
Aniya, "Ayoko. I can't be tied down, I can't even be in the city. Malikot ako e. I don't like the feeling of being locked in one place."
Nagkasundo naman sila ni Jason, na 12 taon na niyang karelasyon, sa ganitong setup. Suportado rin ng isa't isa ang kani-kanilang hilig at career.
Sa ngayon, bukod sa pag-aartista, mina-manage ni Mylene ang kanyang beach house sa La Union.
May dalawang anak si Mylene sa ex-boyfriend niyang si Paolo Paraiso na sina Tomas at Lucas. May dalawang anak din si Jason sa dati niyang nakarelasyon.
Related Gallery: Mylene Dizon, Jason Webb celebrate 10 years as a couple