
Tarayan at tawanan agad ang bumungad sa mga manonood sa pagbabalik ng Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, May 2, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Tampok sa episode ang celebrity players na sina Mylene Dizon, Sheryl Cruz, at Sef Cadayona kakampi ang kani-kanilang personal aids.
Sa unang round pa lang ng 'Fact or Bluff,' nagkainitan na agad sina Mylene at Boobay dahil tinatawanan daw ng aktres ang komedyante.
Paghamon ni Boobay, “Bakit hindi ka sumasagot?”
Naging mabilis namang tugon ni Mylene, “Hindi ko kailangan sumagot. Hindi kita kailangan sagutin.”
Nauwi naman sa role play ang kanilang komprontasyon kung saan nagpanggap si Boobay na kapatid sina Eugene at Jose habang ama nila si Brod Pete at ina si Mylene.
Napuno pa ng tawanan ang studio dahil pati ang driver ni Sef ay nakisali na rin sa aktingan.
Panoorin:
(For Philippine viewing only)
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakailanman.