GMA Logo Myrtle Sarrosa
Source: myrtlegail (IG) & GMA Network
What's on TV

Myrtle Sarrosa, ang bagong mukha na makakasama sa 'My Ilonggo Girl'

By Aedrianne Acar
Published February 18, 2025 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Myrtle Sarrosa


Versatile actress and cosplayer Myrtle Sarrosa is now part of 'My Ilonggo Girl.'

Naipapakilala na nitong Lunes ng gabi, February 17, ang bagong mukha na aabangan n'yo sa GMA Prime mini-series na My Ilonggo Girl!

Matapos matapunan ng asido ang mukha ni Venice (Jillian Ward), sumailalim ang asawa ni Francis (Michael Sager) sa matinding operasyon.

Dito ipinaliwanag ng doktor na tumitingin kay Venice ang mga pagbabago na mangyayari sa kanya.

Sabi nito, “We tried our very best na ibalik ang mukha ni Miss Venice but even her voice is expected to change.

“Dahil sa tagal at dami ng operasyon na ginawa namin and since sa hita natin siya kinuhaan ng balat, some marks like her mole were transferred to her face also.

“At dahil sa tagal na niya gumamit ng ventilator, nagkaroon na rin ng damage sa kanyang vocal chords, but in a few weeks she will recover.”

Kagabi, nakilala na natin ang bagong aktres na makakasama sa hit GMA Public Affairs kilig-serye at gaganap bilang Venice simula ngayon, ang Sparkle talent at cosplayer na si Myrtle Sarrosa.


Myrtle Sarrosa

Source: myrtlegail (IG) & vincemaristela (IG)

Sa panayam ng GMANetwork.com sa cast member ng serye na si Vince Maristela na gumaganap bilang Jampol, nagkuwento ito ng shooting experience niya kasama si Myrtle.

Sabi ng Sparkada hunk, “Napakagandang experience ang makatrabaho si Myrtle Sarrosa. Bukod sa pagiging talented, sobrang dedicated niya sa craft niya. Sa set, dala niya lagi ang energy at professionalism, kaya ang dali lang bumuo ng chemistry at gawing natural ang mga eksena namin.

Dagdag niya, “Masaya rin siyang kasama, kaya laging magaan at enjoyable ang shoot. Marami akong natutunan sa kanya, at excited ako na mas makita pa ng lahat ang journey ng mga karakter namin!”

Tutukan si Myrtle Sarrosa sa pagganap niya bilang Venice sa My Ilonggo Girl sa GMA Prime, Monday to Thursday sa oras na 9:35 p.m.

RELATED CONTENT: