What's on TV

Myrtle Sarrosa, caught-on-cam ang multong nakita sa Eastern Samar?

By Racquel Quieta
Published October 29, 2021 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

myrtle sarrosa


Ano kaya ang nakita ni Myrtle Sarrosa sa daan habang nagda-drive ng 12:40 a.m. sa Samar?

Sa ParanorMars segment ng Mars Pa More, ibinahagi ng Nagbabagang Luha actress na si Myrtle Sarrosa ang isang nakakapangilabot na karanasan niya nang minsan silang magpunta sa Eastern Samar para sa isang mall tour.

Ayon kay Myrtle, dahil sa sama ng panahon, hindi sila agad nakaalis ng probinsya at liblib daw talaga ang lugar na kanilang napuntahan.

“Na-stuck kami for two days sa Eastern Samar kasi bigla na lang nagkaroon ng bagyo. So, for many days hindi kami makaalis sa area, and then at the same time, 'yung area na pinuntahan namin, wala talaga masyadong tao.And the only time na nakauwi na kami was around 12:40 a.m., nung in-allow na kami ng government na makauwi."

Dagdag pa niya, “And 'yung nakakatakot diyan, 'yung dinaanan naming na mountainous area, walang streetlight masyado, madilim. No one was living there. Ano talaga siya eh, parang three hours away from the next city.”

Kuwento ng Kapuso actress, nangyari daw ang nakakakilabot na pangyayari nang pauwi na sila.

“So, habang pauwi na kami dun, papuntang airport, nakita naming with our own eyes na merong batang naka-ganun (nakapamaluktot) sa gitna ng daanan tapos wala siyang buhok. Puti lang talaga lahat.

“Tapos bigla kaming sumigaw kasi sabi ko, 'Bata ba 'yon?!” Wait lang! Wait lang!'

“Gusto ko nang huminto tapos sabi sa 'min ng driver naming na taga doon talaga, 'Hindi tayo puwede huminto. Bawal huminto. 'Yung area na 'to kasi, maraming nagpapakita.”

myrtle sarrosa

Myrtle Sarrosa habang inilalarawan ang nakitang bata sa daan sa Samar / Source: Mars Pa More

Ayon sa founder ng Mysterium Philippines at former paranormal consultant na si Rob Rubin, posible raw na espiritu ng namatay ang nakita ni Myrtle.

“Judging by the fact that it happened in Samar, there were a lot of victims ng Yolanda, I wouldn't discount the possibility that that could be a spirit, a ghost of somebody who died, a child who died.

“Pero the good news is at least it didn't follow you. It probably just passed by.”

Pero babala niya maaaring nalinlang lang din sina Myrtle ng kanilang imahinasyon, o maaari ring isang masamang elemento ang nagpakita sa kanila.

“At the same time, it could have been an optical illusion, or it could have been an element trying to take form and get attention from you. Pero we need to do more of an extensive research to determine what it is and what encounter it is. Because personally, I believe in the saying 'Dismiss everything and accept everything,' para at least you have an open mind pero you're not sobrang gullible.”

Panoorin ang mismong video ng sinasabing batang nakita nina Myrtle Sarrosa sa Samar sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang ilan sa best celebrity Halloween costumes noong 2020.