
Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng Kapuso actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa na nagluluksa ngayon sa pagpanaw ng kanyang Lola Aleli Porlucas.
Ibinahagi ni Myrtle ang malungkot na balita sa kanyang Instagram kung saan inamin ng aktres na naging malaking inspirasyon ang kanyang lola sa pag-abot niya ng mga pangarap.
“Growing up, she was one of the reasons why I learned how to play the piano, started singing, and why I started performing. My grandparents always loved seeing me on stage, but my Lola had a way of making me feel special long before I ever stepped onto one,” sulat ni Myrtle.
Pagbabahagi ni Myrtle, kahit noong bata pa lang siya at nagsisimula sa pagko-cosplay, gumagawa ng costumes sa bahay na, pag-amin ng aktres, kakaiba na para sa iba, patuloy pa rin na nagbigay ng suporta ang kaniyang lola.
“I was always so lucky because she never made me feel that way. She never made me feel embarrassed for being different. Instead, she would support me, encourage me, and let me keep chasing the things that made me happy,” sabi ni Myrtle.
BALIKAN KUNG PAPAANO INALALA NG CELEBRITIES ANG MGA NAMAYAPA NILANG MAHAL SA BUHAY NOONG UNDAS 2025 SA GALLERY NA ITO:
Sa katunayan, lagi umanong naroon ang kanyang Lola Aleli para sa kanya. Mula sa mga practice ng recitals, hanggang sa pagpanood nito ng TV shows niya at paggupit ng newspaper articles tungkol sa kanya.
“She would wake up super early at 5am just to make sure we were well-fed. As a child, I thought those things were ordinary. Now that I'm older, I realize they never were. That was how she consistently showed her love,” sabi ni Myrtle.
Dagdag pa ng aktres, “Looking back, before the stages, lights, and applause, there was already one person cheering for me from the very beginning.”
Sa huli, pinasalamatan ni Myrtle ang kaniyang Lola Aleli para sa pagmamahal at suporta nito sa kaniya. Kahit pa umano masakit sa puso niya at ng kanilang pamilya ang pagkawala nito, kampante naman ang aktres na kasama na nito ang Panginoon.
“I pray that one day we will meet again, and until then, I know you'll continue watching over us,” sabi ni Myrtle.
Samantala, humingi rin ng tawad si Myrtle sa cosplay at gaming community nang putulin niya ang meet-and-greet event niya sa naganap na CODM Summer Fest sa SMX Aura Convention Center. Ang pangako niya, babawi siya sa mga susunod na event.