
Nagtapos na noong Biyernes, May 3, ang hit revenge Afternoon Prime series na Makiling. Kaya naman, isang madamdaming liham ang pinost ng isa sa mga bida nitong si Myrtle Sarrosa na puno ng pasasalamat sa lahat ng bumuo at nanood ng kanilang serye.
Sa post ni Myrtle sa kaniyang Instagram page, sinabi niyang puno siya ng pasasalamat at ikinuwento ang sinabi niya noon sa production nang i-cast siya bilang si Portia Terra.
“When I was first cast for the role of Portia Terra, I promised the team that I'll do everything in my power to bring her to life and make sure that they'd never regret casting me for her,” sulat niya.
Aminado man ang aktres na challenging para sa kaniya ang i-portray ang isang “complex individual” na gaya ng kaniyang karakter, “sobrang grateful ko to experience so much as Portia. ”
Pinasalamatan rin ni Myrtle ang GMA Public Affairs, Sparkle GMA Artist Center, at ang buong production team ng Makiling para sa oiportunidad na binigay sa kaniya. Nagpasalamat rin siya sa guidance ng kanilang direktor na si Conrado Delgado Peru.
“To my fellow actors, thank you for being like family to me these last 7 months. Salamat din Ms K, Ms Nikki and Ms Ysche and the Prod team sa pag alaga on the set,” sabi niya.
Pagpapatuloy ni Myrtle, “To the amazing team of writers for giving me such a roller coaster of a script to portray.”
BALIKAN ANG TOP 7 SCENES SA FINALE EPISODE NG 'MAKILING' SA GALLERY NA ITO:
Sa huli ay pinasalamatan rin ni Myrtle ang mga manonood na tumangkilik at nanood hanggang sa finale ng kanilang serye. Aniya, “Thank you so much for all the love you've given to our drama. ”
Tinapos ni Myrtle ang kaniyang post ng “Stay Crazy, Portia Terra. ”
Tingnan ang buong post ni Myrtle dito: