
Hindi pa rin makapaniwala si Myrtle Sarrosa nang mapabilang siya sa cast ng upcoming GMA primetime series na Love. Die. Repeat.
Ang kanyang role sa serye ay dapat sana kay Kim Domingo ngunit napunta ito sa kanya nang magpositibo sa COVID-19 ang Filipina-French actress noong nakaraang buwan.
Para kay Myrtle, surreal ang kanyang pagkaka-cast sa Love. Die. Repeat na itinuturing niyang "dream project."
Kuwento niya sa kanyang September 3, 2021 Instagram post, "A few days ago, I got a call…
"Sobrang unexpected. Honestly, hindi ko na maalala mga exact na sinabi sa akin during the call.
"Basta tumawag na lang si Kuya @darylzamora (GMA Artist Center senior talent manager) and @diannebernardo (Myrtle's handler) and sinabihan ako “Myrts… eto na 'yun. Your dream role!”.
Napaluhod at naiyak daw si Myrtle nang malaman ang magandang balita.
"And all of a sudden, napaluhod na lang ako and umiyak because after 9 years as an actress, finally… finally 'yung feeling na nagkakatotoo na mga pangarap mo na akala mo hindi na mangyayari. And now it's all happening right in front of me."
Sa naturang post, hindi sinabi ni Myrtle ang pamagat ng on-screen project pero naging bokal din siya tungkol dito sa mga sumunod niyang posts sa Instagram.
"Sorry Guys if I cannot get into details. Medyo confidential pa itong project na ito. 😭
"Pero sobrang saya ko lang. Gusto ko lang mag Thank you sa inyong lahat for always being a part of my journey in life and in everything.
"Sa dami ng pinagdaanan ko kayo yung nandiyan for me when I was at my lowest and ngayon kung saan man ako makakarating kasama ko kayo. 🙈
"Love you all. Senti post muna."
Sa ngayon ay nasa taping bubble na si Myrtle sa Rizal kasama ang mga bida ng Love. Die. Repeat. na sina Jennylyn Mercado at Xian Lim.
Tampok din sa inaabangang serye sina Mike Tan, Gardo Versoza, Samantha Lopez, Valerie Concepcion, Shyr Valdez at Victor Anastacio.
Kasalukuyang napapanood si Myrtle sa GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha bilang Judy.