
Matapos ang tatlong linggo, ibubunyag na kung sino ang “mystery” co-actor double ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa GMA primetime mini-series na I Can See You: AlterNate.
Ayon sa Kapuso star, literal na ka-alternate niya sa eksena ang “mystery actor” na gumanap bilang stand-in actor para ma-fulfill niya ang dual role bilang Nate at Michael sa thriller series.
Puring-puri rin ni Dingdong ang nasabing aktor, na aniya'y napakahusay at nirerespeto niya, dahil lahat ng kanyang linya sa serye ay inaral din ng artista.
Wala namang isyu sa co-actor double ng Primetime King kung hindi siya makita sa palabas dahil aniya ay isang malaking karangalan na makatrabaho niya ang iniidolo niyang si Dingdong.
Kung curious kayo kung sino ang tinutukoy namin, tumutok sa 24 Oras ngayong Lunes, January 31.
Ang I Can See You: AlterNate ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata.
Tampok din dito sina Beauty Gonzalez, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, at Joyce Ching.
Mapapanood ang huling linggo ng I Can See You: AlterNate sa ganap na 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang mga tumatak na karakter ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa telebisyon: