
Kabilang sa dapat abangan ng mga Kapuso sa GMA ngayong 2023 ay ang mystery drama series na tiyak na magpapaiyak at magpapagigil sa mga manonood.
Ito ay ang 'The Missing Husband,' ang seryeng may dalang pangmalakasang drama na malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime.
Bibida sa upcoming drama sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Jak Roberto, Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.
Siguradong marami ang makaka-relate sa istorya ng serye dahil bukod sa iikot ang kuwento nito sa college sweethearts na sina Anton at Millie, magtuturo rin ito ng napakaraming bagay tungkol sa realidad ng buhay.
Magagawa mo pa bang muling magtiwala sa taong bigla ka na lang iniwan at basta na lang babalik sa iyong buhay?
Samantala, dapat ding abangan ng mga Kapuso ang mga aral na mapupulot sa serye mula sa mga taong nakaranas ng pambubudol o scam.
Paano kung ang mga pinakisamahan mo noon ay ang mga taong maglalapit sa 'yo sa kabiguan at kapahamakan?
Bukod sa mga aktor na unang nabanggit, kabilang din sa upcoming GMA series sina Shamaine Buencamino, Max Eigenmann, at marami pang iba.
TINGNAN ANG ILANG PROYEKTONG NAIS MATUNGHAYAN NG MGA KAPUSO NGAYONG 2023 SA GALLERY SA IBABA: