
The reign of greed and deception is set to begin dahil magpe-premiere na on Philippine TV ang pinag-usapang 2023 South Korean mystery series na Queen of Masks.
Mapapanood ang newest offering ng GMA Heart of Asia weeknights simula November 27, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.
Tampok sa Queen of Masks ang South Korean stars na sina Oh Yoon-ah (bilang Amara), Lee Jung-jin (bilang Victor), Shin Eun-jung (bilang Devon), Shin Ji-hoon (bilang Leo), Yoo Sun (bilang Demi), Oh Ji-ho (bilang Alonzo), at Kim Sun-ah (bilang Jaclyn).
Bawat karakter ay may sikretong itinatago kaya magiging exciting ang mga gabi dahil punong-puno ng plot twists ang suspenseful mystery drama.
Sa Queen of Masks, apat na magkakaibigan ang sangkot sa kasong murder. Tatlo sa kanila ay ipinagkanulo ang isa nilang kaibigan para ito ang madiin sa krimen kaya nagpasya itong magtungo sa Amerika. Matapos ang sampung taon, magbabalik siya para isiwalat ang katotohanan.
Sino nga ba ang mastermind sa pagpatay? At ano-anong rebelasyon ang mabubunyag habang nilulutas ang krimeng gigimbal sa apat na magkakaibigan at sa mga taong malalapit sa kanila?
Abangan 'yan sa Queen of Masks gabi-gabi, simula November 27, sa GMA.