
Sa pagpapatuloy ng intense Thai drama series na Nabi, My Stepdarling, mas tumitindi ang galit ni Winona kay Nabi.
Parehas kasing pinoprotektahan ng mag-amang Patrick at Alwin si Nabi.
Dahil matalik na kaibigan ni Patrick ang kapatid ni Nabi, hindi niya hinahayaan na mapahamak ang dalaga habang nagi-imbestiga sila sa tunay na dahilan ng pagkawala ni Sheena.
Samantala, si Alwin naman, todo bantay din kay Nabi dahil bata pa lamang sila ay mayroon na silang pagtingin sa isa't isa.
Isang araw, nadatnan ni Winona na inaalagaan ni Patrick si Nabi at naalala nito kung paano nito inaalagaan ang kapatid ni Nabi na si Sheena noong ito ay nabubuhay pa.
Dahil sa mga ikinikilos nina Patrick at Alwin, mas lumalalim ang galit at selos na nararamdaman ni Winona para sa dalaga.
Panoorin ang episode na ito:
Si Nabi na nga ba ang susunod na target ni Winona?
Ano o sino kaya ang makapagpapatigil kay Winona sa paggawa ng kasamaan sa mga tao sa kaniyang paligid?
Patuloy na subaybayan ang paghahanap ni Nabi ng hustisya para sa kaniyang kapatid sa Nabi, My Stepdarling, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 2:45 p.m., dito lamang sa GTV.
Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
KILALANIN ANG CAST NG NABI, MY STEPDARLING SA GALLERY SA IBABA: