GMA Logo Nadia Montenegro
Photo by: asistioynna and officialnadiam IG, iamtaniamontenegro IG
What's Hot

Nadia Montenegro, iniligtas noon ang kapatid sa abusadong partner

By Kristine Kang
Published May 25, 2025 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Nadia Montenegro


Nadia Montenegro sa naging karanasan ni Tania: 'It was the lowest for everybody seeing her beaten up'

Masasabing matibay ang relasyon ni Nadia Montenegro sa kanyang tatlong kapatid, lalo na sa kanyang ate na si Tania.

Galing sa magulong pamilya, ang mga pagsubok na kanilang hinarap ay lalong nagpatibay ng kanilang samahan at pagmamahal sa isa't isa. Kaya naman, palagi silang handang sumaklolo sa oras ng panganib o problema.

Sa isang panayam kay Karen Davila, ibinahagi nina Nadia at Tania ang isa sa pinakamabigat na pagsubok na kanilang napagdaanan.

Nang tanungin kung ano ang “lowest point” sa buhay ni Tania, binalikan ni Nadia ang kwento kung paano niya literal na sinagip ang buhay ng kapatid at ng mga anak nito.

"She was being battered by her [first partner] and then napunta na doon sa dalawang bata," kwento ni Nadia.

"I actually jumped on the back of her partner, kasi nakasakal na 'yung dalawang bata (at) dinadala na sa kotse. She was just beaten up inside the house."

Inamin ng aktres na iyon ang isa sa pinakamahirap na tagpo sa kanilang pamilya, ang makita si Tania na bugbog at sugatan. Mas lalong masakit sa kanya ng malaman na walong taon pala itong tiniis ng kanyang kapatid.

Sa awa ng Diyos, nakatakas ang mag-ina mula sa mapang-abusong partner matapos magdesisyon si Tania na tuluyang humingi ng tulong kay Nadia.

"I just snapped. Maybe because rin postpartum. I had just given birth to my [six-month old] son. Naghalo-halo na na parang I can't live anymore," pagbabahagi ni Tania.

Ikinuwento rin niyang naranasan niya ang matinding pisikal, mental, at berbal na pang-aabuso, kabilang ang pagtutok ng patalim sa kanyang leeg.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Tania sa kanyang kapatid at sa dating asawa ni Nadia na si Boy Asistio, na tumulong sa kanilang makaligtas.

Para naman kay Nadia, natural lang daw na tumulong siya sa kanyang mga kapatid. Lalo na ngayon na mas bukas na ang kanilang komunikasyon bilang magkakapatid.

"This year 2025, parang ito 'yung turning point namin ng siblings na parang let's all let go of the past and drama," sabi ni Nadia.

Samantala, kilalanin ang pitong magagandang anak ni Nadia Montenegro sa gallery na ito: