GMA Logo Nadia Montenegro
source: officialnadiam/IG
What's on TV

Nadia Montenegro, nagkaroon ng closure kay Boy Asistio bago ito pumanaw

By Kristian Eric Javier
Published July 20, 2024 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Nadia Montenegro


Nadia Montenegro sa naging pag-uusap nila ni Boy Asistio: “I thank God for that day.”

Malaki ang pasasalamat ni Nadia Montenegro na nakapag-usap pa sila ng asawa na si Boy Asistio bago ito pumanaw dahil nagkaroon sila ng closure sa kanilang relationship.

Matatandaan na noong 2017 ay pumanaw ang asawa ni Nadia at dating Caloocan City mayor na si Boy Asistio sa edad na 80.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Hulyo 19, ikinuwento ni Nadia na nagkaroon pa sila ng pagkakataon ng kaniyang asawa na makapag-usap dalawang linggo bago ito pumanaw. Aniya, mayroon siyang prayer fast kung saan humihingi siya ng tawad sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali at dito nagsimula ang kanilang pag-uusap.

“When I did that to him, I texted him, I said 'I'm sorry for all the mistakes I've done to you.' Sabi niya, 'Ako nga 'tong maraming kasalanan sa'yo. Halika, baba ka dito sa kuwarto,'” pag-alala niya.

Dahil may sakit na noon si Boy, nasa isang kuwarto na ito sa first floor ng kanilang bahay. Pagpasok ni Nadia sa kuwarto ng asawa ay doon na sila nagsimulang mag-usap.

“We had a two-and-half-hour talk that we never had for 29 years and it was one of the most amazing moments that I would thank God for because of the closure, the forgiveness, the laughter of all the things we did to each other,” sabi niya.

Dagdag pa ni Nadia, “Nu'ng times na hinuhuli ko siya dati, hindi siya umamin, umamin na rin, not knowing he was gonna pass. And I thank God for that day.”

BALIKAN ANG MOST SUDDEN AND SHOCKING DEATHS NG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin naman ni Boy Abunda si Nadia kung ano ang masasabi niya ngayon, ang sagot ng aktres, “Salamat. Salamat kasi I couldn't see myself with anyone else.”

“Salamat sa pagtanggap sa'kin kahit may mga pagkakamali ako kasi ang sagot naman niya sa'kin, 'Ilang beses mo rin ako pinatawad?' So blessed ako na siya ang naging partner ko, sobra,” sagot ni Nadia.

“Kasi kung hindi siya mabuting tao, hindi siguro ganito ang mga anak ko o ako na we have the heart to serve, we have the heart to love, to give, to share, all from Boy,” paliwanag ng aktres.