
Talaga namang non-stop ang sorpresa at twists mula kay Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa latest episode ng teleserye ng totoong buhay, nasaksihan ang pagdating ng Call Me Mother actress na si Nadine Lustre.
Ang akala ng housemates na isang normal day ay espesyal pala dahil may bago silang sikat celebrity guest sa iconic house.
Gulat na gulat ang girls nang pumasok si Nadine sa bahay habang ang ilan sa kanila ay naglilinis dito at ang iba naman ay nasa kusina.
Si Lella Ford, na isa ring Kapamilya, ang unang nakakita kay Nadine at tila hiyang-hiya siya dahil dumating ang huli habang siya ay naghuhugas ng plato.
Habang ang boys ay nililito at kunwaring kinakausap ni Kuya sa confession room, ang girls naman, kakwentuhan at inaasikaso na ang bago nilang houseguest.
Bago ang pagdating ni Nadine, bumisita rin sa Bahay Ni Kuya ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.
Sinu-sino pa kaya ang bibisita sa mga Kabataang Pinoy?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'