
Masayang binuksan ni Nadine Samonte ang kanyang tahanan sa inihandang get-together party para sa cast at crew ng Forever Young.
Kasamang nag-organize ni Nadine ng party ang anak-anakan sa serye na si Euwenn Mikaell. Ito ay bilang pasasalamat sa hard work ng lahat para sa Forever Young, na agad na nakatanggap ng mainit na suporta at magandang feedback mula sa manonood.
"Kapag nandoon ako sa set parang second family ko na rin sila. Kaya sabi ko, 'I want this get together talaga,'" sabi ni Nadine sa interview ni Lhar Santiago ng 24 Oras.
Ayon kay Nadine, ito ang unang pagkakataon na nag-host siya ng party. Aniya, "Sa sobrang excited ko, kumuha ako ng mobile bar kasi ang laging party rito is kids party so walang ganito, first time talaga. Tuwang tuwa talaga ako, hindi ako mapakali," dagdag ng aktres.
Nagpasalamat naman si Euwenn sa mainit na suportang natanggap ng Forever Young at sa matataas nitong ratings.
"Nagpapasalamat po talaga ako kasi first show ko po ito na ako ang bida. Sobrang saya ko po na mataas agad ang ratings. Salamat po sa mga taong nanood ng Forever Young," sabi ni Euwenn.
Kabilang sa pumunta sa party sina Michael De Mesa, Eula Valdes, James Blanco, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman. Dumalo rin sa event ang director ng Forever Young na si Direk Gil Tejada Jr.
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang buong interview nina Nadine Samonte at Euwenn Mikaell sa 24 Oras dito:
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG FOREVER YOUNG CAST SA KANILANG SET DITO: