
Kahit gaano pa katindi ang away nila, wala umano sa bokabularyo ng mag-asawang Nadine Samonte at Richard Chua ang salitang divorce.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 23, inihayag ni Nadine na bilang Kristyano ay ayaw niya ng divorce, lalo na at nanggaling siya mismo sa isang broken family.
“Ako, ayoko kasi I came from a broken family, so 'yung family ko, my dad and my mom divorced, e, nag-divorce sila. So, parang ayoko ng ganu'n kasi 'yung effect sa mga bata, ako mismo nakaranas, e. So, nagkaroon ng effect sa 'min ng mga kapatid ko,” sabi ni Nadine.
Pag-amin pa ng Forever Young actress, nagkaroon siya ng hatred sa isa sa mga magulang niya, at nagkaroon ng maraming tanong, lalo na ang bakit.
“Bakit ganu'n, bakit ganiyan. Why? E, pwede naman sila magsama? Bakit kailangan maghiwalay,” sabi ng aktres.
Aniya, 12 years old pa lang siya noong mag-divorce ang kaniyang mga magulang at sabi niya, madalas ay nasa Germany ang kaniyang ama habang nasa Pilipinas sila ng kaniyang ina at mga kapatid. Uuwi lang umano ang kaniyang ama ng isa hanggang dalawang buwan bago bumalik uli sa Germany.
Kuwento pa ni Nadine, “Tapos nakikita ko 'yung mga classmates ko na sila magkakasama sa mall, sila, 'yung dad nila, pupunta sa events nila, ako wala.”
BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI NADINE SA LABAS NG SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:
Kaya naman, sabi ni Nadine, ayaw niyang maranasan iyon ng kanilang mga anak.
“Ang maganda sa aming dalawa ni Richard, we're talking about it, na parang sinasabi namin, 'pag kunwari magkaaway talaga kami, 'tapos tahimik na lang kami.
May time kasi na sobrang away talaga namin and then, sabi niya sa'kin, 'Wala sa bokabularyo natin ang divorce. We will not. Hinding-hindi tayo maghihiwalay kahit ano ang mangyari.' It's so nice kasi alang-alang din sa mga kids,” pagbaliktanaw ni Nadine.