What's Hot

Nadine Samonte, masayang makatrabaho muli ang 'StarStruck' batchmates na sina Yasmien Kurdi at Mark Herras

By Marah Ruiz
Published June 23, 2023 2:07 PM PHT
Updated June 23, 2023 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Nadine Samonte


Reunited ang 'StarStruck' batchmates na sina Nadine Samonte, Yasmien Kurdi at Mark Herras sa 'The Missing Husband.'

Nagbabalik Kapuso si StarStruck alum Nadine Samonte sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband.

Lalong naging espesyal ang kanyang Kapuso comeback dahil makakatrabaho niya sa serye ang StarStruck batchmates niyang sina Yasmien Kurdi at Mark Herras.

Matatandaang isa sa finalists ng kaunaunahang season ng artista search competition si Nadine, habang si Yasmien ang itinanghal na First Princess at si Mark naman ay ang Ultimate Male Survivor.

"It feels like home, like 'StarStruck.' Kung saan ka nga nanggaling, iba 'yung warmth. Iba 'yung kumportable ka na nagtratabaho ka kasi kilala mo na 'yung tao, nakasama mo na siya before. And yet, iba na 'yung pinaguusapan niyo--it's about your family, about kids," pahayag ni Nadine.

Image Source: nadinesamonte (Instagram)



Excited naman si Yasmien na mapanood ng mga Kapuso ang The Missing Husband.

"Ang 'The Missing Husband,' hindi lang naman siya dahil nawawala 'yung husband mo. Pwedeng emotionally, mentally, missing siya. Lalo ngayon with the gadgets, laging nakatutok. Hindi mo alam kung nakatutok din ba sa 'yo ang asawa mo, kung present ba siya or missing," paliwanag ni Yasmien sa tema ng show.

Naka-relate naman daw si Rocco Nacino sa karakter niya sa show. Gaganap kasi siya bilang OFW na maloloko sa isang investment scam. Minsan na raw niya kasing naranasan na alukin ng isang kaibigan na mag-invest sa isang negosyo.

"Nagfa-flashback sa akin 'yung dami dami daming text mesages ko sa kanya na hindi niya sinasagot. Sumagot siya ng ilang beses na 'Oo, ibabalik ko na ito. Ide-deposit ko na sa 'yo. Papunta na 'ko ng bangko ngayon.' Talagang work of a scammer," paggunita ng aktor.

Si Jak Roberto naman, gaganap bilang pulis sa serye kaya minarapat niyang sumailalim sa ilang firing lessons.

"Ginawa ko siyang preparation kasi mahirap nang mapulaan na hindi tama 'yung hawak natin sa baril, 'yung mga safety. Pinagaralan natin," kuwento ni Jak.

Showbiz comeback din Sophie Albert ang The Missing Husband matapos niyang isilang si Avianna, ang unang baby nila ng asawa at kapwa actor na si Vin Abrenica.

Malaking bahagi daw si Vin ng paghahanda para sa pagbabalik niya sa telebisyon.

"Pinu-push din niya 'ko na 'Let's go! Let's work out.' This month, magkakaroon kami ng challenge na parang 75 days straight na kailangan mag-work out. Kahit may taping, magwo-work out," bahagi ni Sophie.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.

KILALANIN NAMAN ANG CAST NG UPCOMING GMA AFTERNOON PRIME SERIES NA THE MISSING HUSBAND DITO: