
Usap-usapan sa social media ang bagong post ni Nadine Samonte na related sa isa sa diwa ng Pasko- ang pagbibigayan.
Mababasa rito ang pabiro ngunit tila straightforward din na pahaging ni Nadine sa mga taong nagme-message lang umano sa kanya upang manghingi o ilapag ang kanilang requests dahil Pasko.
Sulat niya, “Dear People, alam ko this is the time of giving kasi it's Christmas pero kahit hindi Pasko we share. So ang issue ko is 'wag n'yo naman ako i-message ng nanghihinge kasi Pasko or something na buong taon hindi n'yo naman ako pinapansin.”
Biro pa ni Nadine, tila naka-schedule na tuwing December na magkakaroon siya ng amnesia dahil ilan sa mga nagme-message sa kanya para humiling ng Christmas gifts ay sa ganitong panahon lang siya naaalala.
“Tuwing December n'yo lang ba ako naaalala? Pwes, tuwing December ako magkakaroon ng amnesia. Just saying [laugh emojis],” pahabol niya.
Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ngunit karamihan sa kanila ay sang-ayon sa gustong iparating ng celebrity mom.
Mayroon ding mga nagsabi na magsilbi sana itong reminder ngayong holiday season.
Ang naturang post ay ibinahagi rin ng aktres sa Instagram Stories.
Si Nadine ay happily married sa kanyang non-showbiz husband at businessman na si Richard Chua. Hands-on mom din siya sa kanilang adorable kids na sina Heather, Titus, at Harmony.
Related gallery: Nadine Samonte's life outside of showbiz