
Bago matapos ang 2025, bumisita ang Filipina actress na si Nadine Samonte sa isang clinic sa Parañaque upang sumailalim sa isang GenePlanet cancer screening test.
Isa itong “once-in-a-lifetime test” na tutukoy kung mayroong namanang genes ang aktres na posibleng maging sanhi ng cancer.
Ayon sa isang reel na in-upload ng aktres, nagkaroon ang kaniyang ama ng lung cancer, habang ang kaniyang lolo naman ay nagkaroon ng colon cancer.
“Takot tayo magpa-check up, kahit 'yung husband ko, kasi nga baka may makita, pero sabi ko na prevention is better than cure,” pagbabahagi ng aktres kung bakit nito napagdesisyunang magpa-screen test.
Dagdag nito, “Kailangan mong magpa-check up para malaman mo na you're healthy and all para magkaroon ka ng peace of mind.”
RELATED GALLERY: CELEBRITIES WHO LOST THEIR LIVES TO CANCER
Paliwanag ni Dr. Jennifer Narvaez ng Narvaez Clinic, puprosesuhin ang nasabing test sa Hong Kong sa loob ng apat hanggang limang araw bago niya ibahagi ang resulta sa aktres.
“This is very, very nice talaga,” ani Nadine. “Ang mundo ngayon, kakaiba, [so] 'yung mga ganito, grab it habang mayroon pa.”
RELATED GALLERY: INSPIRING CELEBRITY SURVIVORS