
Proud na proud ang Forever Young actress na si Nadine Samonte sa kanyang panganay na anak na si Heather Sloane, na isa sa performers sa "Be Our Guest" concert na ginanap noong December 1 sa Podium Hall sa Mandaluyong.
Isa sa kinanta ni Heather sa nasabing concert ay ang theme song ng Moana na "How Far I'll Go" kung saan nakasama niyang kumanta ang anak ni Pauleen Luna Sotto na si Tali.
Nag-enjoy din si Heather sa kanyang performance ng mga kantang "Popular" at "This Is Me."
Sa kanyang Instagram post, ipinarating ni Nadine kung gaano siya ka-proud sa kanyang eight-year-old daughter.
"We are so proud of you my love Heather," sulat ni Nadine. "We will always be here to support you whatever you like and whatever your heart desires. I know malayo [mararating] mo."
Binati at pinasalamatan din ni Nadine sa kanyang post sina Zia Dantes at Tali Sotto, na kasama rin sa mga nag-perform sa concert.
"Zia and Tali congratulations and thank you for being such [good friends]. I hope to see you again soon. Playdate daw [please], [Marian Rivera, Pauleen Luna Sotto]. Thank you Yan sa small talk natin. Love kita alam mo yan," dagdag ni Nadine.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Nadine bilang Juday sa afternoon series na Forever Young. Si Juday ang tumatayong ina ni Rambo, na ginagampanan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell.
Subaybayan si Nadine sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG ANAK NI NADINE SAMONTE NA SI HEATHER SLOANE SA GALLERY NA ITO: