
Inilahad ni Nadine Samonte ang kaniyang sagot sakaling papiliin siya sa career o love life.
Sinagot ito ng StarStruck season 1 avenger nang siya ay bumisita sa Sarap, 'Di Ba? noong April 13.
PHOTO SOURCE: @nadinesamonte
Tanong ng Sarap, 'Di Ba? host na si Cassy Legaspi kay Nadine, "Bilang naranasan mo na ang success sa showbiz at sa personal na buhay, ano para sa iyo ang mas importante, career o lovelife?"
Kuwento ni Nadine, ngayong happily married na siya at may mga anak, family ang kaniyang pipiliin.
Si Nadine ay happily married kay Richard Chua at proud mom nina Heather, Titus, at Harmony.
RELATED GALLERY: Nadine Samonte's life outside of showbiz
Ayon kay Nadine, "Kung sa sitwasyon ko ngayon na may asawa at anak ako of course ang lagi kong sinasabi priority ko is my family. Kasi siyempre 'pag walang support coming from them, hindi ako makakapagtrabaho ng hundred percent. It's very hard."
Kung noong panahong single pa si Nadine, iba raw ang magiging sagot niya.
"Pero kung single at ano masasabi ko, siyempre career muna. Kasi 'yun 'yung magbi-build sa 'yo, puwede naman maghintay si love life."
Pag-amin ni Nadine ay masaya siya dahil ngayon ay nasa estado na siya na puwedeng pagsabayin ang career at love life.
"Pwedeng sabay, kaya nga I'm very very happy now kasi I have my family, at the same time, I also have my career."
Abangan soon si Nadine sa Forever Young.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: