GMA Logo nagbabagang luha
What's on TV

Nagbabagang Luha: The disappearance of Cielo

Published August 8, 2021 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

nagbabagang luha


Sa gitna ng paghahanap ni Maita kay Cielo, nadiskubre niyang hindi pa niya lubos kilala ang nakababatang kapatid.

Nagsimula nang magsiklab ang mga damdamin sa pinakabagong mainit na kwento tuwing hapon, ang Nagbabagang Luha.

Sa unang linggo ng GMA Afternoon Prime series, nakilala ang magkapatid na sina Maita (Glaiza De Castro) at Cielo (Claire Castro).

Kahit magkaibang-magkaiba ang ugali, close na close ang dalawa lalo pa't lumaking magkasama.

Kinailangan ni Maita ng mahabang pasensya pagdating kay Cielo. Ilan beses na rin siyang napahamak dahil minsan ay walang preno ang bibig ng pilyang kapatid at isa na riyan ang pagsiwalat nito sa relasyon ng kanyang ate kay Alex (Rayver Cruz), anak ni Mrs. Montaire (Gina Alajar) na resort owner kung saan manager si Maita.

Favorite employee ni Mrs. Montaire si Maita pero simula nang nalaman niya ang relasyon nito sa kanyang anak, nagbago ang tingin niya sa masipag na dalaga. Ang consultant ng resort na si Judy (Myrtle Sarrosa) kasi ang gusto ng mayamang negosyante para sa nag-iisang anak.

Lahat ay tiniis ni Maita para kay Alex kaya maging ang posisyon sa resort ay binitawan niya alang-alang sa kagustuhan ng boss at ina ng nobyo.

Kasabay ng pagkawala ng trabaho, isang karumal-dumal na krimen ang nangyari sa pamilya ni Maita.

Kahit anong pag-iingat sa kapatid, sinaway pa rin ni Cielo ang mga bilin ng kanyang nakatatandang kapatid.

Sumama si Cielo sa hindi pa niya ganoong kilalang lalaki na si Sherwin (Royce Cabrera), na isang big-time drug dealer.

Pinagtangkaan pang gahasain ng kasamahan ng lalaki si Maita at pati ang ama nilang si Paeng (Alan Paule) ay nadamay at namatay dahil sa saksak matapos ipagtanggol si Maita.

Hindi titigil si Maita hangga't hindi niya nakikita si Cielo habang nagluluksa sa pagpanaw ng ama.

Ngunit sa gitna ng kanyang paghahanap kay Cielo, nadiskubre ni Maita na hindi pala niya lubos na kilala ang kapatid.

Balikan ang full episodes ng Nagbabagang Luha mula August 2 hanggang August 7 dito:

Maita and her simple yet happy family

Maita and Alex's secret relationship is out

Alex fights for Maita

The end of Maita and Alex's relationship

The disappearance of Cielo

Pinagbibidahan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz ang Nagbabagang Luha, kasama si Claire Castro.

Tampok din sa serye sina Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Karenina Haniel at Ms. Gina Alajar.

Mula sa direksyon ni Ricky Davao, ang Nagbabagang Luha ay base sa nobela ni Elena Patron na isinapelikula noong 1988 ng Regal Films.

Mapapanood ang GMA Afternoon Prime series mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Nagbabagang Luha at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.