GMA Logo nagbabagang luha claire castro
What's on TV

'Nagbabagang Luha' viewers, nagbunyi nang mabisto ang pekeng pagbubuntis ni Cielo

By Nherz Almo
Published October 9, 2021 4:23 PM PHT
Updated October 9, 2021 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

nagbabagang luha claire castro


"Walang double!" Panoorin ang malulutong na sampal kay Claire Castro ng batikang aktres na si Gina Alajar sa 'Nagbabagang Luha.'

Nakatikim ng malulutong na sampal si Cielo (Claire Castro) mula kay Calida (Gina Alajar) matapos malaman ng huli na peke ang diumano'y pagbubuntis niya sa magiging anak sana nila ni Alex (Rayver).

Sa October 9 episode ng 'Nagbabagang Luha,' nalaman na ng ate ni Cielo na si Maita (Glaiza de Castro) na hindi buntis ang nakababatang kapatid sa pamamagitan ng kaibigan ng una na si Monina (Karenina Haniel). Agad naman itong ipinalam ni Maita sa kanyang estranged husband na si Alex at ina nitong si Calida sa ginanap na baby shower para kay Cielo.

Inulan ng mga komento mula sa mga manonood ng Nagbabagang Luha ang video clip ng eksenang pagkabisto kay Cielo, na nai-ost sa social media accounts ng GMA Network.

Samantala, tingnan ang larawan ni Claire, kasama ang assistant director nilang si Barry Barrientos, matapos ang mainit na eksena sa Nagbabagang Luha.

Kilalanin pa si Claire Castro sa gallery na ito: