
Si Jillian (Lee Young Ae) ay isang Korean art history lecturer na pinapangarap magkaroon ng posisyon bilang isang ganap na professor, ngunit nagbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa isang painting: ang Geumgangsando na gawa ng pintor na si An Gyeon.
Dahil sa kanyang paghihinala na hindi orihinal? ng nasabing pintor ang hawak ?na painting ?ng professor niya, nawala ang pagkakataon niyang magkaroon ng full-time teaching job, pati na rin ang trabaho niya bilang lecturer. At ang tanging paraan upang maibalik ang lahat sa kanya ay ang mapatunayan na hindi ang totoong Geumgangsando ang idi-display sa museum.
Habang inaalam ang katotohanan, isang libro ang nagbigay gabay kay Jillian. Ito ay ang diary ni Saimdang (Lee Young Ae), isang sikat na artist at calligrapher noon sa Joseon-era. Ngunit hindi lang ang pagtuklas sa Geumgangsando ang nadiskubre ni Jillian, pati na rin ang portrait ni Saimdang na gawa ni Lee Gyeom (Song Seung Heon), ang lalaking nagmamahal at minahal ni Saimdang.
Sa unang tingin ay napansin ni Jillian na may pagkakahawig sila ni Saimdang sa painting ni Lee Gyeom. At habang pilit nilang binabasa ang mga letrang may bahid na ng kalumaan sa diary ni Saimdang, unconsciously ay bumabalik si Jillian sa Joseon era mula sa mga na-recover na kuwento sa journal ni Saimdang.
Si Jillian ay nagiging si Saimdang, at unti-unti ay hindi lang ang tungkol sa painting ni An Gyeon ang matutuklasan niya, kungdi ?pati na rin ang buhay niya noong ang pangalan pa niya ay Shin Saimdang.
Abangan ang pagbabalik nina Lee Young Ae (na nakikilala bilang si Jang Geum ?sa Jewel in the Palace) at ni Song Seung Heon (na gumanap bilang si Johnny sa Autumn in My Heart) sa GMA Heart of Asia. Malapit na malapit na!