
Mas kapana-panabik ang mga hapon sa GTV dahil muling mapapanood ang megahit na Thai drama na Bad Romeo simula ngayong Lunes, September 15.
Ang Bad Romeo na pinagbibidahan nina Thai superstars Mario Maurer at Urassaya Sperbund ay iikot sa kwento ng pag-ibig na hahamakin ang lahat maging ang panahon at katayuan sa buhay.
Gagampanan ni Mario ang karakter ni Rico, isang car mechanic na siyang makikilala si Kim, ang karakter ni Yaya na mayamang anak ng isang hotel tycoon sa sikat na lakorn.
Paano nila malalampasan ang mga pagsubok na dala ng mga buhay na kanilang kinagisnan? Paano kung muli silang magkita pagkatapos ng ilang taon?
Abangan ang Bad Romeo, Lunes hanggang Biyernes, 3 p.m., sa GTV.